"Mahal kita pero di mo lang alam..."
Nagbabakasakaling mabanggit sa'yo ang tunay na damdamin.
Ako yata'y baliw na, mali-mali ang mga hangarin.
Lalim ng utak mo'y pinipilit kong sisirin.
Ano nga ba ako sa'yo? Ikaw rin ba'y may pagtingin?
Ikaw ay tigilan ko na, sabi ng iba
Eh ano bang magagawa ko? Ika'y mahal ko na!
Ang puso ko'y di na patitinag kahit anong sabihin nila.
Dala-dala ko na yata ito hanggang sa aking pagtanda.
Isang araw sa buwan ng Enero
Buong magdamag ay magkausap tayo
Bigla na lang natigil ang aking mga kuwento
Hindi nagtagal bigla kong napagtanto:
Damdaming pigil kailangan ko nang sabihin
Hindi ko naman hangad na ako ay iyong mahalin
Kaya laking gulat ko nang iyong banggitin,
"Huwag kang mag-alala, ang nadarama ko'y gayun din."
"Mahal kita. Ngayon ay alam mo na."
No comments:
Post a Comment