January 13, 2006

Pedophilia...

Image hosting by TinyPic
Bakit my mga taong gumagawa nito?

Si "A" ay dalawang taong gulang at merong napagandang mata. Ang nanay ay nagtratrabaho sa night club bilang isang hostes. Gabi Gabi siyang iniiwan ng nanay nya sa Lola niya na merong kalaguyo.

Isang araw, nakita nila ang batang may ginagawang malaswang bagay na hindi ginagawa ng mga batang mura ang edad na katulad niya, hinahawakan niya ang sarili niyang ari. Nagulat ang kangang nanay at siya ay ginulpi. Nagtanong sa lola ang nanay, kung bakit ginagawa ng bata yun, maari daw ang dahilan ay marumi ang kanyang ari at nangagati lamang. Ngunit, ang pangyayari ay naulit ulit.

Ang sabi ng bata sa katulong " Si tito robie ( live-in partner ng lola") kini-kiss ako dito( tinuro ng bata ang labi, ang dede, at ang ari)". Umiyak ang nanay at tinanong "Ilang beses ginawa, anak", ang sagot ng bata " dameng beses , mommy". Dahil wala na siyang magawa, hindi na niya mahahanap ang lalaking kalaguyo ng nanay niya. Pati pag luha ay wala ng magagawa. Komunsulta sila sa doktor, at kinompirma na ang bata ay nagalaw na.

Awa sa bata na walang muwang na may dungis na ang pagkatao. Pighati naman para na ina, at Galit sa taong gumawa nitong
krimen na ito.
"Pag buhay sana ang sinira, ay buhay din kapalit."

1 comment:

Bea Litao said...

hindi ko maiwasang maiyak sa ganitong mga pangyayari...

bakit kailangang gawin nga ba ang ganitong mga bagay sa mga bata? wala lang ba silang magawa?

nakakaawa...
nakakainis...

miski maging lalaki o babae ang gawan ng ganito, hindi ito mabuting gawain. kailangang matuto ang mga matatanda na hindi ito ang tamang gawain ng mga taong karapat-dapat ay may kaalam na sa buhay...