May 31, 2007

Galing Sa Friendster

*****

ito ay galing sa friendster-friend ko. sanay magustuhan ninyo.

******************************

mula kay archie-at sa kanyang di-
matahimik na pluma...

******************************

Ang kaapihan ay hindi isang magalang
na bisitang dumarating…

Hindi ito isang kiming magsasaka na
kipkip sa dibdib ang sombrero;
at sa kagustuhang maisalba ang lupang
maliit
ay makikiusap ng palugit sa usurerong
nanggigipit.
Kakatok sa guwardiyadong geyt para
magtanong muna kung “nahandyan po kaya
si ser?”

Kaluskos at yabag ito sa tahimik na
gabi, tadyak sa pinto, kasa, umang,
kalabit…
Bumubutas ng sawali, bumibingi sa
paslit at bumubutas sa bituka ng ama
nitong ayaw umalis sa lupang matagal
na niyang sinasaka, ayaw magbigay daan
sa planong subdibisyon at golf courses…
Ni hindi ito mag-aalis ng bakya o
magpupunas ng paa, mag-iingat na
makasagi sa takot nitong ang makabasag
ay lalong magbabaon sa kanya sa
pagkakautang…

Itoy malulutong na mura, bulyaw,
suntok at tadyak ng mga sundalo at
bayarang sanggano, malalakas na
lagapak ng sahig, dingding at
bubungan, martilyo, maso, bareta-de-
cabra, alang-alang sa kawawang
mayayaman na walang mapagparadahan…
Hindi ito maghihintay paupuin…

Ito’y nakabibinging alingawngaw ng mga
talumpati at pangako ng Bagong
Lipunan, ng pagkakaisang may sakit sa
atay, ng Philippines 2000, ng walang
kumpare, walang anak at walang kamag-
anak, ng moral transformation na
hinugot mula sa ‘hello, garci’

Ito’y malalakas na sirenang umiiskorte
sa mga itim na sasakyan, palabas at
papasok ng senado, kongreso o
Malakanyang.

Ito’y dumadagundong na ugong ng mga
eroplanong nagluluwas ng libo-libong
Pilipino para pugutan sa Saudi,
gahasain sa Hongkong, at bitayin sa
Singapore…

Ang kaapihan ay hindi isang magalang
na bisitang dumarating…hindi ito
mapapalayas ng pabulong…

January 20, 2007

Tulong naman o...

Tulungan nyo nga ako magdesisyon...
Sa isang panig, makatutulong ako sa mga aso't pusa
Sa isa pang panig, makakahiga ako sa kama na may mga tinik
Sa isa pa ring panig, mapapaiyak ko ang mga ulap at mga bituin

Sa tingin ba ninyo kailangan pang tulungan yung mga pusa't aso? Kawawa naman sila kasi parati na lang silang nag-aaway sa pagkain at sa teritoryo nila kung saan sila tumatae. Ewan ko nga ba. Kailangan nga ba silang tulungan makita yung pagkain na nasa likod lang naman nila? Ang laki-laki na nga nung bowl tapos malapit nang amagin yung pagkain nila, di pa rin nila nakikita. Siguro kasi kirat yung pusa tapos bulag na yung isang mata nung aso kaya di nila nakikita no? At tsaka... bakit naman sila tatalikod? Wala namang makikita kung tumalikod sila diba? Actually... meron nga. Ang kulit naman! Haaay...

Kaso, pwede ko namang hayaan yung mga aso't pusa eh. Pwede naman akong matulog sa kama. Masarap matulog! Lalo na't malamig at sariwa pa yung hangin na nalalanghap ko. Kaso nga lang, ewan ko ba kung bakit may makulit na naglalagay ng tinik sa kama ko. Di tuloy ako makatulog nang maayos. Parati na nga akong paikot-ikot para lang makakuha ng maayos na pwesto. Ang dami-dami nang mahihigan kaso yung may tinik pa pinili ko. Nakakainis! Para bang nagsisisi ako na nilagyan ko pa ng tinik yung kama. Nage-experiment kasi ako kaya ko ginawa yun. Kaso sa pagsisisi ko, hihiga ako tapos matitinik pa. Tapos magsisisi ulit tapos matitinik... haaaaay...

Kaso, pwede rin naman akong tumayo diba? Pwede ko namang tulungan yung mga pusa't aso tapos palitan yung kama ko. Kaso, sa tuwing naiisip ko pa lang gawin yun, umuulan na. Actually... nagkakaron ng meteor shower. Weird nga eh. Nag-iisip pa lang ako na magbagong buhay, unti-unti nang nahuhulog yung mga bituin sa kwarto ko. Onti na nga lang eh magkakaroon na ako ng sarili kong bulalakaw sa pagbubo nung maliliit na nahuhulog. Ang nakakainis pa, parati na lang bumabaha kapag may ginagawa na ako. Hindi pa naman ako sanay lumangoy. nalulunod na nga ako eh. Ang masaklap pa, hindi lumulutang yung mga bulalakaw na binubuo ko kaya lalo syang pabigat. So paano ba yan? Hindi ko na alam gagawin ko sa ulap at mga bituin para di na sila mahulog. Gusto ko na talga silang hablutin at ibagsak lahat nang matapos na eh...

Nababanas na ako! Bakit ba kasi naisipan ko pang tulungan yung mga hayop para lang mabuhay sila nang maayos...

Hayop naman talaga oh.
Hayop talaga!
HAYOP!