September 14, 2006

Ika-9 ng Hulyo

Isang gabing pagkalambing-lambing
Ikaw ay yakap ko
Sa loob ng iyong mga bisig
Ayaw nang lumayo

Naaalala mo pa ba
Ang Awit ng Saya?
Eh ang "Accidentally In Love"?
Kabisado mo pa ba?

Ang ihip ng hangin
sadyang nag-iba
Ba't ba ako nandito?
Ngayo'y nag-iisa

Mahirap man tanggapin
Mahirap mang isipin
Hanggang kaibigan na nga lang ba
Ang tingin mo sa akin?

Ako ay aminado
Ika'y mahal pa rin
Di na yata mawawala
Itong pigil na damdamin

Sa huling pagkakataon
Hayaan mong aking sabihin
Mahal na mahal kita
Nakaraa'y wag mo sanang limutin

No comments: