Eto na naman ako. Nagbabalik para sa aking mga kuwento tungkol sa pag-ibig.
*Upo. Labas ng yosi. Sindi. Hithit.*
Haha! Heto na naman ako sa mga kabaliwan ko. Ni ako nga mismo, hindi ko puwedeng sabihin na suwerte ako sa pagkakaroon ng relasyon. Parang lagi na lang ako ginagago ng mga pesteng lalakeng yan.
[Tsk tsk. Fuck]
Yung una kong boyfriend? Haha! Walang kuwenta! Totoo! Kumbaga naging boyfriend ko lang siya sa text, sa cellphone. Para akong nagsubscribe sa mga virtual boyfriends na inaadvertise sa mga teen magazines. Napaka-sweet sa pagsesend ng mga messages pero kapag personalan na, hindi ka niya lalapitan, hindi ka niya babatiin, hindi ka niya kakausapin. Ni hindi ka nga niya titignan eh! Bakasyon noon nung naging kami. Naging busy siya sa paglalaro niya ng basketball. Kasali kasi siya sa liga. Kaya ayun. Nawalan siya ng panahon sa "pagtetext" sa akin. Haha! Ayan na naman ang pagtetext na yan. At kung sa text ko siya sinagot, siyempre sa text din ako makikipagbreak sa kaniya! Di ko na natiis ang pagiging sobrang torpe niya kaya nakipagbreak na ako.
[Eh sira ka pala eh! Alam mo naman pala na ganun ang ugali niya, bakit mo pa sinagot?]
In fairness dun sa una kong boyfriend, naging mabait siya saken kahit nasaktan siya sa pakikipagbreak ko sa kaniya. Magkatropa kasi kami kaya wala siyang magawa kundi patawarin ako. Naging magkaibigan pa rin kami at nagkakaasaran pa nga paminsan-minsan. At dahil sa kaniya, napalapit ako sa isang pang katropa namin. (...na naging pangalawa kong boyfriend.)
Haha! Itong kasunod? Naku! Siya ang pinakamatagal kong naging boyfriend. Marami kaming pinagdaanan nito. Hindi matatapos ang isang araw na hindi kami nagaaway o nagkakatampuhan. Ilang beses rin kaming nagbreak. Siguro mga bente. Oo. Ganun kami ka-incompatible. Ewan ko ba kung bakit ko naging boyfriend yun. Pero sa totoo lang, minahal ko siya. Oo. Kahit niloko niya ako. Nagkaroon siya ng "bestfriend" na babae. Nasa Maynila ako nung mga panahong yun kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ilang beses siyang nagsinungaling sa akin. Buti na lang at meron akong kaibigan na nagsabi saken na lagi silang magkasama at sobrang sweet pa! Mga unang linggo yata nung 4th year ko sa hayskul nung nakipagbreak ako sa kaniya. Hindi ko na kasi matiis. Harap-harapan na niya akong niloloko. Sabi niya nagbago na daw ako. Hindi na daw niya ako maabot. Sus. Unang linggo pa lang yun at wala pa akong trabaho sa council! Gago! In short, nakipagbreak ako sa kaniya, tangay-tangay ang isang bagay na pinakaiingat-ingatan ko.
[O diba? Nauuso na ang mga salitang paulit-ulit. <--Tulad nito]
[Simula noong nangyari ito, hindi na ako masyadong naniniwala na puwedeng maging magbestfriend ang isang lalake at babae. Nauuwi lang kasi ito sa isang masaklap na trahedya.] *Kuha pa ng isang yosi. Sindi. Hithit.*
Tsk tsk. Ilang linggo lang ang nakalipas simula nung nakipagbreak ako sa pangalawa kong boyfriend, may nakilala na naman akong bago. Kabaligtaran siya ng 2nd boyfriend ko. Mabait siya. Hindi yung bait-baitan lang tulad nung pangalawa. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun pero mabilis niyang nahilom ang sugat mula sa previous relationship ko. Yun ay dahil na rin siguro sa mga dasal niya. Oo. Isa siyang spiritual na tao. Matangkad, maganda ang boses, kalbo. Aba! Nasa kaniya ang mga gusto ko sa isang lalake! Kasama siya sa choir sa parokya nila. Isang officer ng Student Council ng kanilang paaralan. Matalino, masipag at mapagmahal na anak. Ngunit ngayon, binabawi ko na ang 3rd sentence sa paragraph na ito. Katulad rin pala siya ni 2nd bf. Manloloko! September 11, 2004. Nasa school niya ako noon dahil naging emcee ako sa isang youth gathering. Pinuntahan niya ako doon at kinausap. Dinala niya ako sa canteen nila at dun siya nakipagbreak. Oo! Siya ang nakipagbreak! Hindi pa nakuntento ang loko, sinundan pa ako hanggang sa Megamall! Gusto niya akong kausapin pero hindi na ako pumayag dahil masyadong masakit ang mga pangyayari. [Yuck!] Ewan ko ba sa kaniya pero sinundan pa rin niya ako hanggang makarating ako sa bahay namin. At hanggang sa YM, hindi pa rin ako tinigilan! At ang dahilan niya sa pakikipagbreak? Akala niya mahal niya ako. Ginamit lang niya ako para makalimot siya sa isang babaeng minahal niya simula noong 15 years old pa lang siya. Take note: 19 years old na siya nung naging boyfriend ko siya. Ibig sabihin nun, 4 na taon na siyang nanloloko ng mga babae. At isa ako sa mga tatanga-tangang biktima niya.
[Bakit ba hindi niya ako tinigilan noong mga panahong yun? Nakikipagbreak ba talaga siya o nakikipag-ayos? Ewan.]
[Sa lahat ng mga naging relasyon ko, ito ang pinakamaikli. Pero ito ang pinakamatagal kong nakalimutan.]
Dito na nagtatapos ang aking mga kuwento tungkol sa mga naging relasyon ko. Pero hindi dito nagtatapos ang aking mga kuwentong pag-ibig.
*Ubo ubo. Kuha pa ng isang yosi. Sindi. Hithit.*
Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang ikuwento ang nangyari sa 3 ex-boyfriends ko. Eh hindi naman talaga sila dapat kasali dito. Hindi sila ang bida dito. Kundi ang susunod...
Abangan ang susunod na kabanata...
11 comments:
You know your so funny. I like you. you know why because i like the way you appreciate the things that happens in your life . you are writing your love stories because you really love those guys eventhough they were just playing you and making you fool, but it's okay, God will give them reward in making you fool.just trust in God and i hope that GOD will give you the right guy just wait sooner or later God will give it to you.
i like the way you write your stories..
it's so realistic.. and descriptive
haha...
well, we almost actually have
the same "routine" in our stories..
im waiting for the next kabanatas..
hanga din nmn ako sau, hanga ako saung "KAMARTIRAN"... anyway, hindi kita masisisi kc life mo yan, you choose that kind of lovelife, pero dont worry, right man will come na para sau... wait ka lang siguro mga after 8yrs..heheheh..joke.. sana sa sunod mong sharing you're happily married and my mga kids ka na...
hElLo pOH.. y0ur st0ry is quiet interesting.. keep it up!!!
hehehe.. i like the story kaso lang nakaka bitin naman...lam mo sana makagawa rin ako ng ganyang stories about my past lovelife kaso masalimuot rin halos lahat eh...
hi,
im junamae... 15 years of age... may similarity yung love story nating dalawa...jejeje... continue searching for your right one...
heheh...ahm..i love your story..........its so nice to know what you have undergo....
aabangan ko yung next chapter ng l0velife nakakarelate kasi ak..pero kunti lang......... hekhek........
continue to love and be l0ve......
prince charming will surely come at the right place,and at the right time.......go girl........
..haha, sad naman ang storya ng pag-ibig mo pero e2 lang aa, hanggat hindi mo pa sinisuko yang importante sayo di sila mga kawalan okeii u can find your true love.. pwede din ako haha.. add mo ako jac_ol0013@yahoo.com
hello....... i like ur stories... but dont be give up.....
hehehhee...biliv din ako sau ahh...masay ka pa sa ngngyari sau hahaha...funny!pero ...theres come one time in your life na...darating yung ideal man..na..22o..hahha
kip your good stories..god bless.
Post a Comment