December 18, 2005

Mabait ka...

Kelan ba masasabing mabait ang isang tao? Tuwing may ginagawa syang ka-ayaaya sa paningin ng iba?

Sa bata, pag sumusunod sya sa utos ng kanyang magulang. "Ambait mo naman!"

Sa teenager, pag sumama sya sa kanyang nanay para magshopping. "Bait naman ng anak ko."

Sa isang trabahador, pag hindi sya humingi ng tamang bayad sa kanyang amo. "Tama yan boy."

Sino ba ang nagdidikta kung ano ang tama at kung ano ang mali?

Does it mean na kung magpagamit ka eh mabait ka na?

So ang ibig sabihin ng pagiging mabait ay pagpapagamit sa ibang tao. Ang pagtatrabaho ng walang kapalit. Ang pagbibigay ng libreng mga bagay....

Kung walang manggagamit...

May silbi pa ba ang gamit?

Kung walang manggagamit...

May mabuting tao pa kaya?

May masamang tao pa kaya?

Hmmm... Ito ang aking artikulo...
Sana nagulo utak mo...
Salamat sa pagbabasa nito...
Isa kang mabait na tao...

2 comments:

Bea Litao said...

ano ba ang tama at mali?

ano ba ang magdidikta nito?

ito'y nasa isipan lamang... at wala nang iba.

masisiyahan ka pa ba?

JM said...

Subjective lahat ng 'yan, tol. Nobody dictates who's good or bad except our Religions. So if you're deeply rooted to your faith then you can properly define morality.

Ang problema nga iba-iba tayo ng religion diba? Ngayon alam mo na ang plight na pinagdaraanan ng mga tiga-United Nations. haha...

Peace out, Rock on!