December 28, 2005

pasko

DEC. 25! namasko ang mga tao, sa probinsya namin takte! ang daming namasko isang dosena or marami takteng buhay ubos ang barya namin sa kakabigay piso-piso na nga lang naubos pa, grabe tapos na loko pa ang pinsan ko sa inaanak niya binigyan na nga ng 100, namigay pa ng isang daan, tangina ninang rin ako nun buti na lang at di ako niloko putcha wala na nga pera nakaloko pa ang gaga, ang pangit tingnan grabe... tapos eto naman pinsan ko nainis kaya ayon di na niya bibigyan ung inaanak niya... hahaha buti nga sa lokang yun bakit pa kasi kaming nakita mag-ninang dun, TAKTE! talaga bad trip nakakainis, lahat na ng masama sinabi ko na hahaha...
tapos ang lamig pa, kung di ba naman ako loka-loka sleeveless sa tagaytay di ka ba magkasakit dun buti na lang narinig ang panalangin ko at medyo mainit-init naman ang nangyari, putik kung malamig dun malamang nananigas na ko sa lamig, hahahaa.... putik tapos napagod pa ko akala tuloy ng tita ko na may sakit ako dahil sobrang nagluluha na mga mata sa lamig hahahaa... yun pala magkaka-ubo lang ako... hahaha ang daming nangyari nung pasko pero di na ko nagtiyaga na manood pa dahil tinatamad na ko at ayokong maglakad kasi naman tamad na ko hahaha.....
Kinabukasan umuwi na kami grabe natulog na ko lahat-lahat nandun pa rin kami sa highway sa sobrang traffic, takte 4 na oras na kaming nakatunganga dun di pa rin gumagalaw...

No comments: