Kapag sinabihan ka na mahalay kang tao, ipag sabihin, malaswa, di ka-akit-akit, sensuwal, o di kaya bastos ang iyong mga kilos.
Suki ako sa pamintas na ito...
Lalong lalo na nung highschool. Kadalasan akong tinatawag na, manyak, bastos, or pervert ng aking mga katoto. Dahil ganun nga lang talaga ako. Suking suki ako sa katagang "Ay mahalay" galing sa mga kaibigan ko...
Ngayon bago na... hentai at queer na ang laman ng aking mga tenga...
Ngunit nakakatuwang isipin na paano kaya kung sino pa yung mabait, tinitingala, respetado, relihiyoso at kagalang galang. Eh sila pala yung may tinatagong berdeng sikreto?
Saya siguro nun kapag ganun. Buti na lang at wala pa akong nababalitaang ganun. Sa ngayon, nasa aking isipan pa lang at nag aantay na may mangyaring ganun.
Eksposay, ika nga ng mga dyornalista at mga mamamahayag. Yung mga tipong ikagugulat ng lahat.
Haaay...
Marahil bindikado na ang daloy ng aking panunulat. Siguro nga, gusto kong gumanti.
Pero kung tutuusin mo, di birong malaman mo na pinagnanasahan ka pala ng isang tao, at ngayon mo lang nalaman (sana mas maaga sinabi diba?). Hindi nakakatuwa kung malalaman mong isa sa kaibigan mo ay tila may ganun ngang tinatagong libog. Hindi biro na bigla mong malalaman na may kaklase ka, o mas malala, ay kaibigang buntis o di kaya'y nakabuntis...
Tila parang sumasabog ngayong panahahong may kaunti na tayong kalayaan. Ngayong nagiging liberal na ang ating mundo...
Sana wala...
1 comment:
Alam mo, in my opinion, lahat naman tayo mahalay eh. Ang sexual desire kasi is one physiological need of human beings. Ibig sabihin, we were all born with it.
Kaso nga lang, yung ibang tao, mas aware of that need kaysa sa iba (as in the case of kids vs adults) atsaka yung iba, mas may control sa kanilang desires kaysa sa iba.
So it's not so much bad kung matawag kang mahalay. Tao ka lang eh.
Tsaka marami naman ding plastik diyan, mga nagtatagong nasa loob naman ang kulo. Sarili lang nila niloloko nila sa paglabas na malinis, diba?!
Happy new Year!
Post a Comment