May 31, 2007

Galing Sa Friendster

*****

ito ay galing sa friendster-friend ko. sanay magustuhan ninyo.

******************************

mula kay archie-at sa kanyang di-
matahimik na pluma...

******************************

Ang kaapihan ay hindi isang magalang
na bisitang dumarating…

Hindi ito isang kiming magsasaka na
kipkip sa dibdib ang sombrero;
at sa kagustuhang maisalba ang lupang
maliit
ay makikiusap ng palugit sa usurerong
nanggigipit.
Kakatok sa guwardiyadong geyt para
magtanong muna kung “nahandyan po kaya
si ser?”

Kaluskos at yabag ito sa tahimik na
gabi, tadyak sa pinto, kasa, umang,
kalabit…
Bumubutas ng sawali, bumibingi sa
paslit at bumubutas sa bituka ng ama
nitong ayaw umalis sa lupang matagal
na niyang sinasaka, ayaw magbigay daan
sa planong subdibisyon at golf courses…
Ni hindi ito mag-aalis ng bakya o
magpupunas ng paa, mag-iingat na
makasagi sa takot nitong ang makabasag
ay lalong magbabaon sa kanya sa
pagkakautang…

Itoy malulutong na mura, bulyaw,
suntok at tadyak ng mga sundalo at
bayarang sanggano, malalakas na
lagapak ng sahig, dingding at
bubungan, martilyo, maso, bareta-de-
cabra, alang-alang sa kawawang
mayayaman na walang mapagparadahan…
Hindi ito maghihintay paupuin…

Ito’y nakabibinging alingawngaw ng mga
talumpati at pangako ng Bagong
Lipunan, ng pagkakaisang may sakit sa
atay, ng Philippines 2000, ng walang
kumpare, walang anak at walang kamag-
anak, ng moral transformation na
hinugot mula sa ‘hello, garci’

Ito’y malalakas na sirenang umiiskorte
sa mga itim na sasakyan, palabas at
papasok ng senado, kongreso o
Malakanyang.

Ito’y dumadagundong na ugong ng mga
eroplanong nagluluwas ng libo-libong
Pilipino para pugutan sa Saudi,
gahasain sa Hongkong, at bitayin sa
Singapore…

Ang kaapihan ay hindi isang magalang
na bisitang dumarating…hindi ito
mapapalayas ng pabulong…

No comments: