March 20, 2006

Silid-Aralan

Pulong.
Aklat.
Upuan.
Katapat.
Titig.
Tawa.
Ngiti.
Saya.
Dibdib.
Naninikip.
Pag-ibig?
Di pa maaari.
Galak.
Tuwa.
Sa wakas,
Ako'y masaya na.

Takot.
Pangamba.
Alisin mo sana.
Hawakan mo
ang puso ko.
Ito'y sa'yo na.

Salamat.
Mahal din kita.

March 12, 2006

Pag-ibig sa Bukid

Muling bumuhos ang sagradong luha
ng puso kong binabagyo ng iba't-ibang damdamin.
Ibinulong sa akin ng hanging masalimuot
ang mga pagdurusa ng nakaraan.

Sariwa pa sa aking alaala ang gabing iyon.
Ginahasa mo ako ng iyong huwad na pag-ibig.
Pinaniwala.
Pinaasa.
Pinakilig sa bawat dampi ng iyong mga kamay sa akin.

Binasbasan ng libu-libong paru-paro
ang bawat yakap mo sa akin.
Nagpupumiglas ang bawat damdaming
sa iyo lamang nakalaan.
Ngayon, ako'y nangungulila at nagpupumilit
na burahin ka sa aking puso't isipan.

Hanggang kailan ba ako mananatiling ganito?
Uupo na lang ba sa sulok?
Magmumukmok?
O dapat ko bang harapin ang bukas
at hugutin mula sa alabok ang bagong lakas?

March 11, 2006

isang katotohanang panlipunan

TAE

Dumi.
Mabaho.

Pinandidirian.
Iniiwasan,
nilalayuan,
‘di-pinapansin.

Nakakalat?
Gawang paraan,
solusyunan.

Walang papansin?
Walang makikialam?
Titingnan,
hahayaan lang?

Karumihan, kabahuan
sa mundo!
Tae’y mananaig.


*ang naturang tula ay nalathala na sa isang pahayagang pang-kolehiyo.

March 07, 2006

Bakit Artikulo?

Bakit kailangan pa ng Artikulo?
Mayroon namang sariling blog.
Bakit kailangang may itago?
Wala namang masamang magbunyag
Ng mga emosyon
Ng mga opinyon
Ng mga saloobin
Ng mga hinanakit.
Bakit kailangan pa dito?

Mayroong mga ilang bagay na hindi mo kayang sabihin sa sarili mong blog.
Kaya heto ang Artikulo,
Tumutulong upang maibahagi mo ang iyong puso
Sa mga taong nangangailangan ng lakas.
Malay mo, ang iyong Artikulo
Ay makasagip ng isang buhay.