Ano ang ugali ng aking anino?
Masaya rin kaya siya kapag ako ay masaya?
Malungkot din kaya siya kung ako ay malungkot?
Hindi ko pa siya kilala,
ngunit alam ko na ginagaya niya ang bawat galaw ko.
Isa siyang mangagaya at wala yatang sariling pagiisip.
Laging sumusunod sa sinasabi ko,
o ng ibang tao.
Laging sumusunod sa sinasabi ko,
o ng ibang tao.
Ano kaya ang itsura niya?
Itim lamang ang nakikita ko.
Itim lamang ang nakikita ko.
Bakit kapag sa liwanag ko lamang siya nakikita?
Sa dilim ay hindi ko nakikita ang kanyang mga bakas?
Nung kailangan ko ng kasama,
Iniiwan niya naman ako?
Iniiwan niya naman ako?
Subalit,
kung sa liwanag naman,
ay lagi ko siyang nikikita.
kung sa liwanag naman,
ay lagi ko siyang nikikita.
Bakit siya lagging nasa likuran ko?
Naroon kung saan ako magpunta.
Naroon kung saan ako magpunta.
Pero kung pagmamasadan kong maigi,
ako pala ang sarili mong anino.
ako pala ang sarili mong anino.
No comments:
Post a Comment