January 20, 2007

Tulong naman o...

Tulungan nyo nga ako magdesisyon...
Sa isang panig, makatutulong ako sa mga aso't pusa
Sa isa pang panig, makakahiga ako sa kama na may mga tinik
Sa isa pa ring panig, mapapaiyak ko ang mga ulap at mga bituin

Sa tingin ba ninyo kailangan pang tulungan yung mga pusa't aso? Kawawa naman sila kasi parati na lang silang nag-aaway sa pagkain at sa teritoryo nila kung saan sila tumatae. Ewan ko nga ba. Kailangan nga ba silang tulungan makita yung pagkain na nasa likod lang naman nila? Ang laki-laki na nga nung bowl tapos malapit nang amagin yung pagkain nila, di pa rin nila nakikita. Siguro kasi kirat yung pusa tapos bulag na yung isang mata nung aso kaya di nila nakikita no? At tsaka... bakit naman sila tatalikod? Wala namang makikita kung tumalikod sila diba? Actually... meron nga. Ang kulit naman! Haaay...

Kaso, pwede ko namang hayaan yung mga aso't pusa eh. Pwede naman akong matulog sa kama. Masarap matulog! Lalo na't malamig at sariwa pa yung hangin na nalalanghap ko. Kaso nga lang, ewan ko ba kung bakit may makulit na naglalagay ng tinik sa kama ko. Di tuloy ako makatulog nang maayos. Parati na nga akong paikot-ikot para lang makakuha ng maayos na pwesto. Ang dami-dami nang mahihigan kaso yung may tinik pa pinili ko. Nakakainis! Para bang nagsisisi ako na nilagyan ko pa ng tinik yung kama. Nage-experiment kasi ako kaya ko ginawa yun. Kaso sa pagsisisi ko, hihiga ako tapos matitinik pa. Tapos magsisisi ulit tapos matitinik... haaaaay...

Kaso, pwede rin naman akong tumayo diba? Pwede ko namang tulungan yung mga pusa't aso tapos palitan yung kama ko. Kaso, sa tuwing naiisip ko pa lang gawin yun, umuulan na. Actually... nagkakaron ng meteor shower. Weird nga eh. Nag-iisip pa lang ako na magbagong buhay, unti-unti nang nahuhulog yung mga bituin sa kwarto ko. Onti na nga lang eh magkakaroon na ako ng sarili kong bulalakaw sa pagbubo nung maliliit na nahuhulog. Ang nakakainis pa, parati na lang bumabaha kapag may ginagawa na ako. Hindi pa naman ako sanay lumangoy. nalulunod na nga ako eh. Ang masaklap pa, hindi lumulutang yung mga bulalakaw na binubuo ko kaya lalo syang pabigat. So paano ba yan? Hindi ko na alam gagawin ko sa ulap at mga bituin para di na sila mahulog. Gusto ko na talga silang hablutin at ibagsak lahat nang matapos na eh...

Nababanas na ako! Bakit ba kasi naisipan ko pang tulungan yung mga hayop para lang mabuhay sila nang maayos...

Hayop naman talaga oh.
Hayop talaga!
HAYOP!