"Hay naku! Batang ito ubod ng tamad" eto na lang ang laging sinasabi sa akin ng mga tao. Tamad ang laging kinukumpera sa akin, dahil lagi na lang akong nakahiga natutulog o nakikinig ng musika o mag-guhit. Ganun naman palagi, kahit sa pag-aaral kinatatamaran ko rin, ewan nga kung bakit. Ito ang aking kwento, ang buhay ng isang tamad.
"batang ito! ubod ng tamad, di ka aasenso niyan kung nakahiga ka lang" sabi ni inay
" alam ko po yun nay,"
" eh yun naman pala kaya ang gawin mo bumangon ka diyan at linisin mo ang bahay, dapat pagdating ko malinis na to. MALINAW?" *sabay pingot sa tenga*
"ARAY! nay di mo naman kailangan pingutin ako sa tenga" *sabay haplos sa tenga*
"kung di kita gaganyanin di ka tatayo diyan sa kinalalagyan mo kaya, tayo at linis na ng bahay"
"hay opo" *sabay tayo kuha ng gamit panglinis at linis na ng bahay*
"Pagdating ko dapat maayos na tong bahay"
"opo" *linis ng bahay*
pagdating ni inay
"wow anak ang linis ng bahay"
"siyempre ako pa, dapat malinis" *ngiti na abot sa tenga* tapos pumunta si inay sa mga lugar and sinuri ng mabuti kung malinis ang bahay
"aba anak, malinis, teka lang may kukunin lang ako sa cabinet"
"HA! CABINET! uhh nay mamaya mo na kunin yung bagay na yun" *sabay takbo sa cabinet* *sabay sandal sa pintuan ng cabinet*
"ano ka ba anak, ibibigay ko yun sa tita mo kailangan niya" *pilit binubuksan ang pinto ng cabinet*
" nay ako na lang ho, baka pagod kayo" *sabay sandal ng madiin sa pinto ng cabinet*
" hay naku anak, okay lang ako, at isa pa kailangan *hila sa pinto ng cabinet* kong *hila ulit* ibigay sa tita *hila ulit* mo yung gamit na hiniram ko"
"nay bukas na lang *sabay sandal sa pinto ng cabinet*
"ano ka ba! umalis ka na diyan" *sa wakas nabukasan na yung pintuan at.....*
ayoko ng magsulat tinatamad na ko *tawa ng todo*